Panginoon, Iyong dinggin Ang aking dalangin, Sa umagang ito'y hain Ang puso kong angkin.
Panginoong Jesu Cristo Ako'y pakinggan mo, Ipahayag sa Dyos Ama Ang bawat hiling ko.
Mangyaring ako'y samahan, Espiritung banal, Nang upang sa kabanalan Lumaging mabuhay.
Ang magpuri sa 'Yong ngalan Ay ang makakamtan; Lubos na pagsasanggalang Sa kapahamakan.